Thursday, August 18, 2016

HIGH SCHOOL MODULE SCIENCE NO.1 - Ang polusyon sa tubig





Ano ang pag-aaralan sa modyul na ito?

Ang tubig ang pinakamahalaga at marahil pinakamadalas gamitin na materyal sa buong mundo. Mahigit pitumpung porsyento (70%) ng mundo ay binubuo ng tubig. Ito ay sapat na upang matustusan ang mga pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Ngunit, kahit na sapat ang dami ng tubig sa mundo, nakararanas pa rin tayo nang kakulangan sa tubig.

Sa modyul na ito, ipakikilala namin sa iyo ang lahat ng uri ng polusyon sa tubig. Malalaman mo kung paano nadudumhan ang tubig sa mga ilog. Iyong makikilala ang mga masasamang epekto ng polusyon sa tubig sa kalusugan, tahanan, kalikasan at ekonomiya. Tuturuan ka ng mga payo o safety tips upang mapangalagaan mo ang iyong kalusugan laban sa mga nakalalasong kemikal na hindi sadyang naitapon sa tubig. Upang malunasan ang suliraning ito, matututuhan mo kung paano magtipid ng tubig at kung paano mapapangalagaan ang mga pinagkukunan ng tubig.





Sa iyong sariling paraan, paano mo lulutasin ang polusyon sa tubig sa inyong lugar? 


No comments:

Post a Comment